Thursday, December 8, 2011

Ngiti.

tuwing imumulat ko ang aking mga mata
mensahe mo ang gustong unang makita
dahil sigurado, ngiti sa akin ang dulot nito,
kahit sa simpleng bagay na ginagawa mo.

Muli mong binigyan ng ngiti ang aking mga labi,
na matagal tagal ding humihikbi
kya nga ako'y nagpapasalamat at ika'y nariyan
upang buhay ko'y muli kong simulan.

Patawarin mo rin sana ako
kung hindi ko pa maibigay ang gusto mo
maige ng matagal ngunit seryoso
kesa isang iglap na puro panloloko

salamat nga pla sana'y wag kang magbabago
dahil masaya ako sa anu mag mayroon tau
sana'y makapag antay ka pa hanggang ako'y desidido na
maraming salamat sa dinulot mong kakaibang saya.

No comments:

Post a Comment