Saturday, October 9, 2010

Gabi..

Ilang gabi narin ang lumipas
simula ng ikaw ay nagiba ng landas;
iniwan mong ala-ala sa aking isip
ay hiwa sa puso gamit ang kampit.

sa twing ipipikit ko ang aking mga mata
luha ang kasunod na aking madarama
umaagos mula sa isang sisidlan
na sa aking puso ang pinagmulan.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap
nangyari sa atin o kay saklap
na minsan ay naging masayng magkasama
ngayon ay puro sakit ang nadarama.

Kailan po ba ito matatapos o Diyos ko?
Para nga pong hindi ko na kakayanin ito
sa pagsubok na ito ako ay talo
dahil aking gagawin hindi ko mapagtanto.

No comments:

Post a Comment